DU30 –Marcos the team to beat- Magandang araw sa aking mga kababayang fellow Guamanians. Sana ay nasa mabuti at magandang kalagayan kayong lahat.
Alam niyo naman siguro na gumaganda na ang mga kombinasyon para tandem ng president at bise-presidente sa ating bansa. Anjan na ang pinakamahina at pinakatalunan na Roxas-Robredo, sunod ang dalawang alanganin na Binay- Honasan, at Poe –Escudero. Maryosep poe Escudero ano itong ginawa mo?
So far, apat na tandem ang malamang na lalaban para presidente at bise-presidente. Sa palagay ko kapag nag-anunsyo na itong si Duterte ay makikita natin na biglang aangat ang kanyang rating sa surveys. Kaya lang naman hindi ganoon katindi ang rating ni Duterte sa ngayon ay hindi pa kasi siya naisasama sa mga official candidates na nag-deklara na ng pormal.
Tignan taka kapag nagdeklara na si Kamay na Bakal Duterte at siguradong siya na ang mangunguna sa mga surveys.
Para sa bise-presidente, sa aking palagay, ang pinakamatindi ay itong si Bongbong Marcos. Dito natin makikita ang solid north which could be from Tarlac to Cagayan Valley.
Hinggil sa mga ibang nangangarap mag bise presidente, kung tutuusin ay maglalaban-laban para sa Bicol Region ang tatlong kandidato na puros Bicolano, sina Honasan, Cayetano (kung kanyang itutuloy ang kanyang pagtakbo) at si Robredo. Tatlo silang maghahati-hati sa Bicol and parts of Southern Tagalog votes.
Ang isang maganda kay Bongbong ay yung consistency niya on the issues lalung-lalo na sa pinakita niyang pagiging Chairman sa Senado hinggil sa issue ng Bangsa Moro Basic Law (BBL) at siyempre ang pinakita rin niyang paninindigan sa Mamasapano incident at sa taxation ng mga balik- bayan boxes.
Ang problema kay Mar Roxas, bagama’t lumalabas na siya ang pinaka-qualified at pinaka malinis ang track record, ay sabit siya sa pagaka-inutil niya sa pagka-korap ng administrasyong PENOY (ANG UBOD NG INUTIL AT PALPAK NA ADMINISTRASYON).
Kayo Poe mga dear readers, sa inyong pananaw ay si maryosep ko Poe na isang walang ka alam-alam ba ang inyong iboboto? O si Binay na ubod ang tulis at korap? O si Duterte na may clean record at proven na action man?
Sa ngayon ay marami pang mga batikos at sari-sari pa na black propaganda ang maglalabasan hinggil sa mga kandidato at ‘yan ang ating tatalakayin sa kolum na ito.
******
Mga Pinoy na naka apak lang sa Amerika kala mo na kung sino – Bato-bato sa langit ang tamaan dapat lang na magalit (PWEEEEE…..).
Marami na rin akong na obserbahan na mga kababayan natin na akala mo kung sino na at ang tataas ng ihi porke’t nakatira lang sa Guam o sa mainland (lalo na sa mainland).
Bakit kaya ganuon ang ilan sa ating mga kababayan, sa halip na tulungan ang kanilang kapwa Pinoy ay yung ibang lahi pa ang nais nilang tulungan. Hi! Hi!Hi!
Sa totoo lang, bagama’t matindi ang anti-discrimination laws sa Amerika ay kung ikaw ay Pinoy, kahit na bali-baliktarin mo at kahit na pinanganak ka pa sa Amerika at US citizen ka na ay sa mata ng maraming mga puti at itim ay ikaw ay kasapi sa brown race, at sa maraming may ganuong pananaw ay isa kang second class citizen pa rin.
Kung sabagay, hindi ako expert sa hanay ng sekolohiya (psychology) ngunit sa na-obserbahan ko sa mga Pinoy na akala mo kung sino na sila porke’t earning in dollars at mejo naka-pundar lang sila dito ay eto yung mga nobody sa atin sa Pinas. Kaya palagay ko dala ng kanilang insecurities na alam nila na kahit na dolyar ang kanilang kinikita at sa isip-isip nila na medyo big time na sila (sa isip lang naman nila yun) ay alam nila na malabo silang magkarooon ng social acceptance sa mga who’s-who in Manila and Visayan society. Alam naman natin kung gaano katibay at katindi ang mga who’s-who sa Pinas . Kaya ayan tuloy dito sa Amerika feeling somebody na sila at yung mga kababayan nilang maliliit ay ni hindi nila makuhang tulungan o kahit na kausapin man lang at mabigyan ng kinaukulang galang. PWEEEE… sa inyong may ganitong pagaasta.