Maraming Senador dito Inutil! Klase–klaseng mga Senador!!!

Maraming Senador dito Inutil!!!- Mga mahal na kababayan, kilala niyo ba ang mga senador na sang-ayon sa isinagawang retroactive salary increases nila Gov. Calvo at silang lahat na mga senatong este senador at ang ilan lang na mga ibang feeling sila lang ang anak ng diyos ang nabiyayan ng nasabing increases? Ang ibig ko sabihin ay kung nasaan ang kanilang kinilingan hinggil sa botohan kung dapat na manatili ang kanilang mga salary increases o dapat na tanggalin! Sa ayaw at sa gusto natin ay isa ito sa mga magiging matinding election issue – hinggil sa mga Senador na nagpakita ng kanilang so-called moral uprightness o nag bulag-bulagan at sumang-ayon na lamang sa mga panukala ni Gov. Calvo na taasan ng matindi at i-retroactive pa ang kanilang mga sahod. Tsk! Tsk! Tsk! Buking ang marami sa kanila na mahihinang klase pala ang mga senador na ito.

Una sa lahat ay dapat sana, across the board ang nasabing mga increases at para sa lahat hanggang rank and file at hindi lamang sa kanilang mga feeling sila lang ang mga anak ng diyos!

Sa ngayon ay ako mismo hindi ko pa rin alam ng tiyak kung sinu-sino sa mga labin-limang senador ang tumutol sa simula’t-sapol sa mga ma-anomalyang napakalaking mga increase na ito.

Sa mga darating na araw ay aking babasahin ang mga dokumento na nakalap ng opisina hinggil dito.

Sa ngayon ang tiyak ko lang at 100 percent na sigurado ako na kontra at nag-file ng mga bill(s) para mapawalang-bisa ang sinasabing immoral na salary increases ay walang iba kung hindi si Senator Michael San Nicolas. MABUHAY KA SEN. SAN NICOLAS!

Siya lamang ang consistent simula-t-sapol na kumokontra dito at ang katunayan ay nung kanyang natanggap ang nasabing retroactive increase na ay ito ay kanyang idinonate sa isang charitable institution ang buong halaga at ang kasalukuyan mga increases ay kanya ring inilalaan para sa isang Catholic charity na nagpapakain sa mga walang makain.

Kumusta kaya ang mga ibang mga senador, ano kaya ang kanilang isinagawa sa kanilang mga retroactive at current salary increases?

Nagtatanong lamang.
Bagama’t wala na akong pakialam kung paano man nila ito gastusin, kaya lang, sa kasalukuyang sitwasyon kung saan marami sa mga Guamanians ay kapos sa kita at nag-hihirap, karapat-dapat lang siguro na magpakita ng konting pagaka-sensitobo ang ating mga senador at manguna sila bilang isang magandang halimbawa.

Sa mga susunod kong kolum ay aking hihimayin at ipaalam sa inyo ang mga detalye hinggil dito kung sino ang mga tunay na trapo na sakay lamang sa agos, bagama’t sa isang buwan pa o sa December 7, pa ninyo mababasa ang aking matinding opinyon hinggil dito, sapagkat magkakaroon ng 1 month break ang pahayagang ito dala ng isasagawang formal launching, fund raising at iba pang mahahalanag bagay na dapat gampanan para sa ikagaganda at ikalalakas ng mga exposes natin.

Basta’t huwag nating kalilimutan na dapat na tayong mga tunay na Pinoy ay magka-isa at ihalal natin ang karapat-dapat na makakatulong sa ating kapakanan at huwag yung porke’t na indorso lamang ng ilang mga naggagaling-galingan na mga opisyales ng kung anu-anong mga Filipino organizations. Sa totoo lang naman ay ang ilan sa kanilang mga inindorso nung mga nakaraang eleksyon ay mga inutil at walang naitulong sa ating mga kababayan.

MAG INGAT KABAYAN SA MGA SENADOR NA PUMAPAPEL NA NAGMAMALASAKIT PA KUNWARI SA KAPAKANAN NG MGA PINOY NGUNIT SA TOTOO LANG AY WALA SILANG PAKI SA ATIN!!!

Ngunit, huwag kayo mag-alala at inyong mababasa sa pahayagang ito ang kanilang mga honest to goodness accomplishments at siyempre pati na rin ang kanilang ka-bulshitan at pagka-trapo ay ating ibubunyag at ipaaalam sa inyo.

Hanggang sa muli.

Mabuhay ang mga tunay na Pinoy.

Mabuhay ang mga tunay na Guamanians na nagmamahal at nag-mamalasakit sa isla na ito!