•Miki Taxi, sino protektor? •Hafa Adai Bingo •http://guamblog.tumblr.com

Abusadong Miki Taxi, sino protektor?- Lintik itong mga taxi na Miki na ito ha, akala mo kung sino sila. Parang sila lang ang anak ng Diyos. Bakit ka ninyo? Imbisna maging ligal sila at mag-comply sa mga patakaran ng pag-operate ng isang lehitimong taxi aba eh, wala na ngang metro, ang lalakas pa ng kanilang loob mag pick-up ng pasahero sa kung saan-saan. Alam naman natin na ang mga kolurom ay hindi nagbabayad ng tamang buwis (tax) at kung halimbawa ay may mangyaring hindi ka nais-nais katulad halimbawa ng aksidente at masaktan ang kainilang pasahero na kadalasan ay turista, sino ang hahabulin ng kanilang pasahero, si Governor Calvo ba o si Lt. Governor Tenorio? Siyempre hindi pu-puwedeng habulin ang dalawang pinakamataas na opisyales na ito, sapagkat mayroon namang mga opisyales na dapat ay nag ma-manman sa mga ito. Ang diretsahang tanong ngayon ay sino ba ang mga opisyales na ito?

Una sa lahat ang nakikita ko ay ang mga kapulisan, na alam naman natin na aminado ang gobyerno ng Guam na may kakulangan sa ating mga kapulisan.

Pangalawa ay anjan ang mga taga Guam Visitors Bureau (GVB).Bakit, bulag ba ang mga ito at hindi nila namo-monitor ang mga kolorum na taxi?

Pangatlo ay ang revtax sapagkat walang metro ang mga taxi na ito kaya tax free sila.

Anak ng balbakwa naman oo. Hanggang dito pa ba naman sa Guam ay palalampasin natin ang mga lintik na kolorum na ito? Alam naman natin katulad halimbawa sa Pinas ang mga kolorum na taxi ay hindi mag-lalakas loob ang mga yan kung walang patong (lagay-suhol) sa kung sino man ang kanilang protector.

Ang dirtetsahan na tanong ko ngayon mga kabayan ko and fellow Guamanians, sino ang matinding protektor ng mga taxi (WHO IS THE PROTECTOR?).

Sa mga darating kong kolum ay aking ibubunyag kung sino ba talaga ang nasa likod at nagsisilbing protektor ng mga abusadong taksi na ito na kumakain sa kaunting kinikita ng mga lehitimong mga taxi. Tingnan ninyo ang mga larawan na ating inilabas (headline photo) nung nakaraang isyu ng pahayagang ito at saka mga larawan na aking inilabas sa isyu ng pahayagan ngayon.

*****

Sino ba talaga may-ari ng Hafa Adai Bingo? – Sino ba talaga ang may-ari ng Hafa Adai Bingo sa may Greyhound Race Track? Sa aking pagkaka-alam ay naka-lease ang property na ito kay Baldwin, yung kano na sumubok magkaroon ng casino sa Guam, ngunit hindi siya nag-tagumpay sapagkat niyari siya ng mga pinagkatiwalaan niyang mga locals.

Ayon sa isa kong impormante, ang nasa likod daw ng Hafa Adai Bingo ay walang iba kung hindi si Gob daw. Patay na kayong mga ibang Bingo kayo, kokornerin na ng Hafa Adai ang karamihan ng negosyo ninyo. Kung sabagay, karapat-dapat lang naman sa inyo ‘yan sapagkat ang mga iba sa inyo ay naging ubod ang gahaman at parang wala ng hangganan ang inyong opersayon, hi, hi, hi! Panahon naman na ng iba ngayon.

Ang diretsahang tanong ngayon, ano-ano pa ba ang mga negosyo na sumasailalim sa control ni Gob?

*****

Huwag po ninyong kalimutan bisitahin ang blog na ito:

guamblog life in the 671

http://guamblog.tumblr.com/post/60246792751/troy-torres-load-of-crazy

*****

Sa mga hindi nakaka-kilala sa akin, huwag niyo na akong tanunigin kung kaano-ano ko ang tanyag na pamilya ni CPR o Carlos P. Romulo. Huwag niyo na akong tanungin at hindi ko rin naman kayo sasagutin, malalaman niyo na lang.

Huwag po kayong mag-atubili na kontakin ako. Tumawag o mag-text sa mga numero sa staff box ng pahayagang ito hinggil sa inyong mga hinaing o mga obserbasyon ninyo patungkol sa korapsyon, pang-aapi at iba pa.

Pakatatandaan, “Dan The Man” handang-handang tumulong sa aking kabayan and fellow Guamanians.

Adios!