• Sino ang inyong Presidente at Bise Presidente? • Pang se-set up sa NAIA!

Mar Roxas ‘(LP), Grace Poe (NPC), Jojo Binay (UNA), Miriam Santiago (Independent) and soon to announce at mukhang hahabol si DU30 (Laban).

Sa limang ito na tatakbo para pangulo, malinaw na magiging mainit ang bakabakan ngayong May 2016 elections. Malinaw rin na magkakaroon ng minority votes ang elected president.

Ang magandang bantayan diyan ay kung paano palulusutin ng administrasyon itong si Roxas sapagkat tunay na napaka-unpopular niya sa tao at wala siyang karisma, di katulad ng mga ibang tumatakbo. Bantayan daw ang hokus-pikos at duon mag-uugat ang matinding pandaraya.

Ayon sa aking source sa Comelec (Main Office) ay naka-kasa na raw ang oplan RO2016, ngunit ang mga hokus pokus machines na kargado na ng sistema na papabor kay Roxas ay nasa ilang mga baluarte ng administrasyon, kung saan medyo malakas ang administrasyon. Kaya sa kadahilanang ito ang pangalawang sinusuportahan ng kasalukuyang administrasyon ay walang iba kung hindi si Grace Poe na siyang susuportahan ng uncle ni Penoy na si Don Eduardo “Danding” Cojuangco.

Malupit ang magiging eksena ngayon para kay Penoy. Kung makalusot si Miriam o si Binay o si DU30 ay malaki ang tsansa na siya at si Sec. Butch Abad ay makalaboso, kaya asahan ninyo na gagawin ng kasalukuyang administrasyon ang lahat ng dirty tricks na kanilang makakaya ng huwag palusutin ang kahit sino sa tatlong ito – Defensor, Binay, at DU30, at kung hindi ay SIBAT NA PINOY AT ABAD.

Sa aking palagay o fearless forecast kung hindi tatakbo si DU30, it’s either Defensor o Binay ang lulusot. Malabo na yang sina Roxas at Poe, ngunit kung tatakbo si DU30, siguradong swak na swak na sya.

*****

Para Bise Presidente, anjan si Bongbong Marcos, Alan Peter Cayetano, Chiz Escudero, Leni Robredo, Gringo Honasan at sabit na Antonio Trillanes. Sa ngayon ay alisin na muna natin si Trillanes sapagkat malabo na siya sa eksena. NO WAY TRILLANES.

Sa nakikita ko, ang seseryosohin ng sambayanan ay itong si Chiz Escudero at si Bongbong Marcos. Ang dalawang ito ang magkakaroon ng matinding bakbakan. Pumapangalawa sa dalawang ito ay sina Gringo at Cayetano at pangatlo o huli sa karera ay itong si Leni Robredo. Tunay akong nanghihinayang kay Madam Leni Robredo kung bakit kasi sya pumayag na tumakbo sa partido ng administrasyon sapagkat malinis ang kanyang record. Ayan tuloy madadamay siya sa negative na imahe ng administrsyon. Kung sabagay, para lamang siyang magbabakasyon ng tatlong taon at muli siyang posibleng mahalal para sa ibang posisyon.

Ang isang magiging bentahe ni Chiz ay siguradong susuportahan siya ni Penoy maliban sa suporta ng NPC na susuportahan rin si Bongbong. Hindi isusugal ni Penoy na makalusot si Bongbong, you can expect that by hook or by crook ika nga na gagawin ni Penoy ang lahat ng na sa kanilang kapangyarihan na ma-demolish si Bongbong.

*****

Tayong mga biyahero patungong PI na lalapag sa NAIA 1 ay dapat na mag-ingat at nagkakaroon ng salisihan kung saan ang mga inosenteng biyahero ay tinataniman ng bala. Isipin naman ninyo, mga inosenteng OFW na paparating tinataniman ng bala, isang bala lang at kung minsan bente dos (22 caliber ) lang at kapag foreigner ay 45 cal. Masyado ng walang hiyaaan ang ganitong sistemang pangi-ngikil, at kapag hindi ka umayos ay tutuluyan ka nila for illegal possession of armaments/explosives. Secretary Mar Roxas at Pangulong Penoy ano na ang nangyayari sa inyong panunungkulan at kampanya lang kayo ng kampanya habang wina-walanghiya ng inyong mga bataan ang buong sambayanan! PWEEEE….